Nina Ellen Fernando at Malou Rongalerios, Ang Pilipino STAR Ngayon
Kumikilos na umano ang isang grupo upang tapalan ng malaking halaga ang 22-anyos na dalaga na biktima ng gang rape ng anim na miyembro ng US Marines sa Subic Bay, dating US Naval Base sa Olongapo City nitong Nobyemre 1.
Base sa report, inaalok na ng malaking halaga ang pamilya ng biktima upang iurong ang demanda laban sa mga sundalong Kano na sina Daniel Smith, Keith Silkwood, Albert Lara, Dominci Duplaints, Corey Barris at Chad Carpenter na ngayon ay nasa kustodya ng US Embassy sa Maynila.
Pinangangambahan na ang pagsusulong ng nasabing kaso ay makakaapekto sa umiiral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos dahil na rin sa pressure na gagawin ng mga militanteng grupo upang kondenahin ang pang-aabuso sa mga Pilipina ng mga sundalong Amerikano.
Base sa rekord, may 52 kaso ng panggagahasa at pang-aabuso sa mga Pinay at kabataang kababaihan ang naitala noong 1990s mula sa mga sundalong Kano nang sila ay bumabahay pa sa Subic Bay na ginawa nilang base military subalit ni isa man sa mga suspek ay walang naparusahan.
Nagbanta ang militanteng grupo sa pangunguna ng Gabriela, Courage, Migrante International na hangga’t walang ipinapalabas na warrant of arrest laban sa anim na Kano ay a-araw-arawin nila ang paglusob sa harapan ng US Embassy upang kalampagin ang pamahalaang Amerika na isurender ang mga suspek para maparusahan ang mga ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Anila, kapag walang nangyari sa kaso ng Pinay na huling biktima ng panghahalay ay hihilingin nila sa Kongreso na buwagin na ang umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA) na siyang nagbibigay kalayaan sa mga sundalong Kano na makalibre sa anumang kaso.
Kahapon ay mahigit 50 miyembro ng Gabriela at Courage ang nagmartsa sa embahada subalit hindi sila nakarating sa US Embassy matapos pigilan ng mga anti-riot police na makalapit.
Bukas ng umaga ay isang assembly naman ang idaraos na pangungunahan pa rin ng Gabriela kasama ang Ecumenical Women’s Forum at Gabriel Women’s Party.
Ayon sa Gabriela hindi dapat palampasin ng gobyerno ang mga insidente at iba’t ibang uri ng pang-aabuso at violence sa mga babae at batang biktima na kinakasangkutan ng mga dayuhan.
Ayon sa ulat ang naturang mga sundalong Kano ay nasa Subic para sa ‘rest and recreation’ matapos ang military exercises na tinawag na Talon Vision and Amphibious Landing Exercise (PHIBLEX) 06 ng nabanggit na araw.
Tiniyak naman ng MalacaƱang na mabibigyan ng hustisya ang kaso ng biktima na tubong Zamboanga at hindi makakaapketo sa diplomatic relations ng RP at US

No comments:
Post a Comment