Ang Pilipino STAR Ngayon
Upang hindi madehado ang mga babae mula sa kanilang mga nagtataksil na asawa, minamadali na ng ilang mambabatas ang pagpasa ng panukalang batas kung saan gagawing pantay ang parusa sa mga babae at lalaki na mangangaliwa.
Sa apat na panukalang batas na inihain nina Reps. Liza Maza, Imee Marcos, Harlin Cast Abayon at Joel Villanueva, sinabi ng mga kongresista na ‘unfair’ para sa mga kababaihan ang kasalukuyang batas na kumikiling sa mga kalalakihan.
Layunin ng panukala na amyendahan ang Article 333 at 334 ng Revised Penal Code na nagsasaad ng parusa sa adultery at concubinage.
Ipinaliwanag ni Maza na sa kasalukuyang batas, napakadaling sampahan ng kaso ang mga babaeng hinihinala pa lamang na nagtataksil sa kanilang asawa samantala kinakailangan munang makita ang aktuwal na pagtatalik ng asawang lalaki sa kanyang kalaguyo bago ito makasuhan ng concubinage.
Hindi rin pantay ang ipinapataw na parusa sa kasong adultery sa panig ng babae at concubinage sa panig ng lalaki.
Sa halip na tawaging "adultery" o "concubinage" ang pangangaliwa ng babae at lalaki sa kanilang asawa, nais ng mga mambabatas na tawagin na lamang itong marital infidelity kung saan magkakaroon ng pantay na parusa.
Kung masusunod ang panukala ni Marcos, gagawing prision correccional o pagkabilanggo ng mula 6 buwan hanggang 6 taon ang parusa sa mga mahuhuling nagtataksil sa kanilang asawa.
Pasok din sa martial infidelity ang sinumang tao na makikipagtalik sa isang may asawang babae o lalaki na alam naman niyang may asawa. (Malou Escudero)

1 comment:
sana naman poh maapprove ng saligang batas ang bagong batas para sa mga babae at lalakeng nangangaliwa para naman matigil na ang pambabastos ng kirida ngb asawa ko skin at tigilan na rin ng asawa ko ang panloloko nya skin.. sana kapag batas na yan maipakulong ko na ang asawa ko at ang babae nya.. pakiusap poh marami po kayong matutulungan sa pag pasa ng bagong ninyong batas..
maraming salamat poh...
Post a Comment