SEN DICK GORDON
TRANSCRIPT OF INTERVIEW
ON LEO SAN MIGUEL "LYING" AT ZTE HEARING
SEN. GORDON: There are lessons to be learned. Dapat bago tayo
tumanggap ng testigo, katulad ng pino-propose ko, ay dapat magkaroon
sila ng sworn statement o kaya ma-depose yung witnesses. At ang
matagal ko nang sinasabi ay kailangang maibigay sa aming mga Senador
yung mga affidavit ng mga testigong iyan para sa ganoon within one
week mababasa namin at mapag-aralan para kapag humarap sila sa amin ay
maganda ang tanungan at hindi yung paulit-ulit. Malalim ang tanungan
at hindi yung lumalayag.
Kahit sino ang dalhin dyan ay wala kaming alam. Kung ano ang
background, nagsu-surprise witness kami. Yung surprise witness dapat
under extreme circumstances lang iyan. Sapagkat hindi dapat basta
pinapapasok dahil ang nangyayari ay nawi-waste ang time ng senado.
Yung mga affivadit –that is in the interest of fair play. It protects
the witness, it protects the prosecution para sa ganoon ay malinaw
kung ano ang sasabihin at makikita ang theory ng mga lumalabas na
nag-aatake, lumalabas na nagbubunyag at yung mga dumi-depensa ay
makikita. Hindi lamang po iyan para sa mga testigo laban sa gobyerno
kundi para din doon sa mga humaharap, katulad ng mga cabinet members,
pwede silang gumawa ng mga statement nila para malaman ang buong
istorya. Hindi nagbabago ang istorya o humahaba ang istorya as we go
along. Ito ay para sa mabilis, malinaw, masinop at logical na
imbestigasyon.
Q: Ginapang daw po ng Malacanang si San Miguel para magdalawang-isip?
SEN.GORDON: Hindi naman ako taga-Malacanang kaya tanungin nyo na
lang ang mga taga-Malacanang. That was the first time I saw Mr. San
Miguel. In fact, if we have been given yung kanyang affivadit dapat
seguro natanong siya ng mas maayos. Mas madali kase kung may affidavit
ka.
Q: Ang haba-habang na nang imbestigasyon ito?
Sen GORDON: Kaya humaba dahil nga wala yung rules na dapat
naka-affivadit bago dumating yung witness. Tingnnan ninyo sa America,
bago mag-imbestiga, kukunin muna ang deposition ng lahat ng testigo at
kapag nakuha na yung affivadit ng testigo, nabibigyan ng one hour
yung administration at one hour yung minority para sa pagtatanong. At
dahil hawak na nila ito one week before, napag-aaralan lahat yung
kanilang statement. Samakatuwid, hindi naglulubid ng buhangin,
nagsisinungaling o gumagawa ng istorya.
Q: Sir, sa tingin nyo ba nagsasabi ng totoo si San Miguel?
Sen. Gordon: I can not kase unang-una nang dini-deny niya. Ang sabi
nga ni Sen. Lacson, siya ang magiging surprise witness at mako-
corroborate niya lahat yung mga testigo pero bigla niyang sinabing
HINDI. So ano ang panghahaweakan namin? Pero kung meron siyang sworn
statement na kinuha na kaagad sana ni Sen. Lacson eh di may hawak na
siya kaagad. Hindi na siya( San Miguel) makakatakbo doon. Hindi na
siya makapagsisinungalin. At kung may sworn statement doon – "affiant
sayeth naught" wala na akong idadagdag sa statement ko, nasabi ko
nalahat. Hindi na pwedeng magdagdag ng anumang kalokohan yung mga
testigo. Kaya napakaahalaga ng sworn statement. Yan ang pino-propose
ko palagi.
Q: Pero agree ba kayo sa mga obserbasyon kahit nagulat yung mga
senador napatunayan parin that Abalos was all over the place?
Sen. Gordon: That is correct. August pa lang gusto ko nang i-file yung
kaso kay Abalos. Noong inimbestiga natin ito last year, sinabi ko na
sa kanya na nandito ka palagi. Hindi mo(Abalos) trabaho iyan. Kaya nga
sinabi ko na barko ng mga hudas ito. Bakit kamo, hindi dapat makialam
si Abalos na pupunta siya sa China tuwing may meeting ang ZTE doon.
Hindi niya teritoryo yung broadband, ang teritoryo niya ay Comelec. At
ang election na matino ay hindi niya inaaatupag. At pagkatapos ito
namang si Joey De Venecia, hindi siya dapat nakikialam dyan. Anak siya
ng speaker. Biruin mo kapipirma pa lang memorandum of understanding
meron na agad siyang unsolicited bid. Ni walang amount, walang terms
of reference kung magkano ang amount na ibibigay kaya ang hirap
tanungin. Ano ba talaga,130 M ba o 320M ba? Hindi malaman. Yun nga ang
tinatanong ko kahapon kina Sales – "Wala ba kayong papel na
nagpapakita na meron kayong agency estimate kung magkano iyan para
malaman kung nag-overprice o nag underprice o yung tinatawag nilang
tong-pats."
Q: Sir, ano po ang epekto nito doon sa credibility ng senado
considering na parang sumabog yun witness kahapon?
Sen. Gordon: It only tells us that we must be careful. Kaya noong
isang araw nga ay nag-file ako ng resolution na kailangang i-depose
yung witness. Ibig sabihin noon, bago dumating ang isang testigo dapat
may written statement, under oath at ibibigay sa amin ang mga
statement na iyan one week before the investigation. Makikita ninyo
bibilis yan. In two or three days tapos kaagad ang imbestigasyon na
iyan.
Q: Sir, pwede bang ma-contempt…?
Sen. Gordon: Sino?
Q: Yun witness kahapon?
Sen. Gordon: You can not cite him for contempt if he says "Hindi ko
alam kung ano ang nangyari." You cannot even cite him for contempt if
he says "I have no knowledge" unless you can prove that he was lying.
Pero kung kinuha ni Sen. Lacson yung kanyang(San Miguel) affivadit,
hindi siya makapagsisinungaling.
ON LIE DETECTOR TEST
Q: Sir, yung lie detector..importante ba yun?
Sen. Gordon: Well hindi naman admissible as evidence iyan. Walang
probative value ito.
Q: So, may need for that?
Sen. Gordon: No. I don't think so. Makikita naman kase hindi naman
admissible as evidence iyan saka kung ayaw ng testigo hindi mo
mapipilit.
Q: Sir, pumayag sila.
Sen. Gordon: Kung papayag sila, di pakuha sila ng lie detector test
pero it can not be used on a court of law.
Q: What is it, waste of time?
Sen. Gordon: No it's not a waste of time. It is an indication kung
gusto nila at kung pumasa sila eh di hindi sila nagsisinungaling. It
is only an indication but can not be used sa prosecution sa Ombudsman.
Q: Sir, ano ang reaksyon ninyo sa sinabi ng Palasyo na bumaba ang
rating ng tele-novela ng senado dahil sumablay ito sa testigo?
Sen. Gordon: Mangyayari't mangyayari iyan. Kaya nga to protect the
Senate and to protect the truth and justice kailangan may prepared
statement ang witnesses. Without that, truth and justice is in peril.
Delikado.
ON WIRE TAPPING
Q: Sir, pabor ba kayo sa paglalabas ng mga phone conversation na wire
tap..?
Sen. Gordon: No. That is against the law. Any wiretap should not be
encouraged. Wire tapping is against the law. Can you imagine kung
wina-wire tap tayo, lahat dito ay pwedeng ilabas? Kaya nga iyan ang
wisdom ng batas na yan. Hindi pwedeng ilabas yung wiretap. Kaya itong
mga ito, pwede silang parusahan d'yan.
Q: Yun playing?
Sen. Gordon: Kapag ginawa iyan lalabas ako.
Q: Pero si Sen Enrile plan to…?
Sen. Gordon: Si Sen. Enrile and Sen. Lacson, ilalabas nila?
Napaka-delikado niyan. Under the law they can be hauled to court.
Q: Sir, yun nag-wire tap ba ang…?
Sen. Gordon: The wire tapping at saka yung nagpi-present ng tape na
wiretap illegally obtained.
Q: Si Lozada sir, medyo kinumpirma niya na maaring may ganoon nga
siyang conversation, pwede ba yun?
Sen. Gordon: Maaaring may ganoon pero walang permiso siya na
i-wiretap. Hindi pwedeng gamitin sa kanya iyan.
Q: Sir, paki-ulit lang yung inyong rejection of airing ng mga wire tap
materials.
Sen. Gordon: Masamang precedent iyan kapag papayagan natin ang mga
awtoridad o sinumang tao na iwa-wire tap kahit senador pa, kahit na
siya ay presidente o general. Hindi siya dapat mag-wire tap nang
walang pahintulot ang korte. Kapag pinayagan natin iyan na pwedeng
gumawa ng wire-tapping sa bawat tao, para na tayong nasa panahon ni
Hitler na hihilahin ka na lang.
Q: Pero sir, kung titingnan yung korte suprema diba nagpalabas sila
ng desisyon, ina-allow na nila yung airing ng garci tape?
Sen. Gordon: Dahil nagging public knowledge na talaga iyan.
Q: So dapat I-air muna para maging public knowledge?
Sen. Gordon: Hindi naman. Hindi ko masyadong nakita yung desisyon ng
Korte Suprema pero sa tingin ko masyado nang naging public ang
nangyari. Pero remember, dumaan muna sa Korte Suprema para payagang
i-air. Hindi pwedeng payagan mo basta-basta nang walang pahintulot ng
husgado.
Q: Pero sir, hindi ho ba lumalabas na very prevalent na kahit sino na
lang…?
Sen. Gordon: Kaya nga dapat parusahan. Kaya nga sinasabi ko, Sen.
Enrile and Sen. Lacson would be liable for suits if they present
illegally wire tapped conversations. Saka it is very bad for our
country to have that. Kakabahan na ang lahat na gumamit ng telepono.
Tingnan ninyo yung nangyari sa Governor of New York (Eliot Spitzer),
may wiretap iyan pero may court order kay napilitan siyang mag-resign.
Q: Who's going to file suit against these two?
Sen. Gordon: Any of the people involved. And that is a crime so people
of the Philippines iyan.
Q: Sir, will you file?
Sen. Gordon: Well, we will see how it goes. I think we should file a
case against anybody who presents illegally wiretapped testimonies.
Iyan ang batas. I will object to it. I already objected before, di ba
sa Garci. Hindi tama yan kahit ano pa ang pagkakamali, kaya may batas
iyun ang nagpo-proteksyon sa tao.
Q: Sir, kung wala ka namang tinatago bakit ka matatakot na i-air nila
yun?
Sen. Gordon: Because it sets a precedent. Kung pumapayag ka, walang
problema iyun. Payag lahat sila, payag si Lozada, payag si President
Arroyo, payag silang ilabas nila iyan - Fine. But still hindi
pinapayagan na iyan nag-wiretap ay libre na i-air o gumawa siya ng
wire tapping. It is still illegal.
4 comments:
Thanks for one's marvelous posting! I truly enjoyed reading it, you might be a great author. I will remember to bookmark your blog and definitely will come back down the road. I want to encourage one to continue your great posts, have a nice day!
Here is my homepage: anti cellulite treatment
have a peek at these guyscheck that have a peek heregreat post to read Sourcego to these guys
Going Here replica bags online navigate to this website gucci replica handbags best site louis vuitton replica
review dolabuy louis vuitton click for info buy replica bags online news cheap designer bags replica
Post a Comment