PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga government official na iwasang magtungo sa mga casino dahil ipinagbabawal ito sa ilalim ng isang executive policy.
Ang Memorandum Circular No. 8 , na ipinalabas noong Agosto 2001, ay ipinagbabawal ang lahat ng public officials na may direktang kaugnayan sa operasyon ng pamahalaan , maliban sa mga tauhan sa casino, na pumasok o magsugal sa casino.
Ipinagbabawal din sa ilalim ng circular ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang ang Army , Navy at Air Force.
Binigyang-diin din ng CSC na ang Republic Act No. 6713, na lalong kilala na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, na dapat na sundin ng lahat ng government employees ang ethical standards sa kanilang pro-pesyonal , gayundin sa kanilang personal na pamumuhay.
Dahil dito, nananawagan ang CSC sa publiko na maging alerto at i-report ang mga lumalabag sa Memorandum Circular No. 8 at Republic Act No.6713 .
I-report sa Mamamayan Muna Action Center hotline sa 932-0111 o magpadala ng mensahe sa 0917-TEXTCSC (0917-839-8272). Journal online