MILYUN-MILYONG mga unskilled workers, magsasaka at mga walang trabaho ang mabibiyayaan ng bagong trabaho at mas mabuting kabuhayan dahil sa karagdagan pang employment generation program sa taong na nilalayong maibsan ang kahirapan at gutom sa mga maralita, ayon sa National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Ayon kay NAPC Secretary Domingo F. Panganiban, nilalayon ng Arroyo government na magkaloob ng mahigit 860,000 mga bagong trabaho para sa mga mahihirap sa pamamagitan ng microfinance services, skills training at coconut intercropping programs may may 50 lalawigan at National Capital Region (NCR).
“We will concentrate the bulk of our jobs and livelihood generation programs in areas that have the highest levels of hunger and poverty,” ayon kay Panganiban.
Nabatid sa National Nutrition Council (NNC), inaasahang aabot sa 430,000 ang mabibigyan ng trabaho bago matapos ang 2008 mula sa microfinance at Self-Employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K) program nito.
“In addition, we will afford some 332,505 underprivileged folk better livelihood opportunities through the skills and vocational training programs of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) and various other community-based training programs,” ayon sa kanya.
Mabibigay aniya ang pamahalaan ng karagdagang kabuhayan at pagkakakitaan sa 67,023 sa magsasaka ng niyog sa pamamagitan ng coconut intercropping program ng Department of Agriculture (DA) habang may 37,583 manggagawa ang kukunin para sa public irrigation at roadside maintenance projects.
Nabatid na prayoridad sa anti-hunger program ng pamahalaan ang Apayao, Mountain Province , Kalinga, Masbate, Camarines Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Sarangani, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Maguindanao, Surigao del Sur, Tawi-tawi, Northern Samar at NCR. JOurnal online

No comments:
Post a Comment