Ang Pilipino STAR Ngayon
Mahigit sa 5,000 tonelada ng basura ang itinatapon araw-araw ng mga taga-Metro Manila kung saan mahigit 50 porsiyento nito ay pawang mga plastic bags, plastic containers at plastic materials na pawang mga non-biodegradable.
Ayon kay Western Samar Rep. Catalino Figueroa, nangangahulugan na ang bawat indibidwal na naninirahan sa Metro Manila ay nagtatapon ng kalahating kilong basura kada araw. Nangangahulugan din aniya na sa tinatayang populasyon na 10.5 milyon, ang total waste na itinatapon sa Metro Manila ay 5,250 metric tons per day; 162,750 metric tons per month o 1.95 million metric tons per year.
Ang mga plastic bags at containers na ito ang isa sa pangunahing sanhi kung bakit nagbabara ang mga estero, kanal at ilog at kadalasan ay lumalabas maging sa karagatan dahil na rin sa walang habas at maling pagtatapon ng basura. At habang nalalapit ang panahon ng Kapaskuhan ay tiyak na lalo pang lalaki ang bilang o bigat ng itatapon na basura na lalong magpapadagdag sa nasabing problema.
Dahil dito, umapela si Figueroa sa Kamara na isama sa mga priority bills ang kanyang panukalang-batas na nagbabawal sa paggawa ng plastic bags na ginagamit sa mga department stores, supermarkets, private at public markets, sari-sari stores at iba pang kahalintulad na establisimiyento. Noon pang nakalipas na taon naihain ng mambabatas ang naturang panukala subalit hanggang sa ngayon ay wala pang aksyon mula sa House Committee on Ecology na pinamumunuan ni Bukidnon Rep. Nereus Acosta.
Sa ilalim ng kanyang House Bill 3086, sinabi ni Figueroa na gumamit na lamang ng paper bags na biodegradable o natutunaw at bayong na maaaring gamitin ng ilan daang ulit. Sandaling maging ganap na batas ay papatawan ng parusang prison correccional at pagmumultahin din ng hindi bababa sa P100,000 ang mga lalabag. (Malou Rongalerios)

Visit http://SubicBay.Ph
for latest developments in Olongapo Freeport City, GawangGapo, Sanggunian, BagumbayanVolunteers, InterGapo Wow Wow Win Subik

No comments:
Post a Comment