Ang Pilipino STAR Ngayon 01/27/2006
ILANG beses na bang pinagbantaan ni President Arroyo ang mga smugglers? Maraming beses na. Pero walang nangyari sa kanyang pagbabanta. Hanggang ngayon ay patuloy ang smuggling sa bansa at nadadaya ng milyon o bilyong piso ang gobyerno. Ganyan katalamak ang smuggling at aywan kung sa bagong pagbabanta ng Presidente ay mapuputulan na ng sungay ang mga smugglers.
Pasulput-sulpot din naman kasi ang pag-iimbestiga ng mga senador sa nangyayaring smuggling. Noong hindi pa napapalitan ang dating Customs commissioner ay wala silang ginagawa at nang may pumalit ay saka lamang sila umatungal. Bakit hindi nila inupakan nang inupakan noon?
Ngayo’y panibagong pakikipaggiyera na naman sa mga smuggling ang isinigaw ng Malacañang. Hanggang kailan kaya ito? Isang buwan o dalawang buwan? At kapag lumulutang ang isyu sa smuggling, laging sangkot dito si First Gentleman Mike Arroyo. At lumutang din ang mga pangalang matagal nang nasasangkot sa kanya. Sikat na naman ang pangalan ni Vicky Toh. Si Toh ay unang lumutang noong nasa kasagsagan ang Jose Pidal controversy. Bukod kay Vicky Toh, sangkot din ang kanyang mga kapatid. Namatay ang isyu nang umalis ng bansa si FG Arroyo at nag-exile sa US. Ilang buwan ding nawala si First Gentleman.
Nitong Disyembre 2005 muling lumutang si First Gentleman at ngayon ay nasasangkot na naman ang kanyang pangalan sa smuggling. Bukod kay Toh, sangkot din sa smuggling si Lucio Lao Co, owner ng Puregold Duty Free. Ayon sa imbestigasyon ng Senado, ang mga kaibigan ni Vicky Tho ay nag-I-smuggle ng mamahaling sasakyan, cell phones, electronic items, damit na ukay-ukay, chocolates at iba pang mga produkto na may mataas na buwis. Ayon sa report, nagbabayad lamang nang mahigit P200 ang mga smugglers sa Customs.
Masyadong talamak ang smuggling sa bansa at nakapapagod na ang palaging pagbabanta ni Mrs. Arroyo sa mga "economic saboteurs". Pawang pagbabanta na wala namang napapala. Ang kailangan at ninanais ng taumbayan ay mahuli at maparusahan ang mga smugglers. Kailangang maipakita ang tigas para maubos na ang mga smugglers. Ngayon ipakita ni Mrs. Arroyo ang kanyang katapangan. Huwag nang ibando pa ang gagawing pakikipaggiyera sapagkat hindi naman nagkakatotoo. Ang kailangan ay aksiyon para mapatay ang mga saboteurs!

No comments:
Post a Comment