HINAMON kahapon ng mga militanteng kongresista si taipan at mall mogul Henry Sy ng Shoe Mart (SM) mall na ibalik ang pabor sa mga Pilipinong tumatangkilik ng negosyo nito sa porma ng pagpapakita ng tunay na puso at seryosong pagtingin sa kalagayan ng mga manggagawa sa pa-mamagitan ng pagbasura sa contractualization policy.
Matapos ang tinaguriang ''great raid'' ng SM mall sa iba't ibang panig ng bansa, naniniwala si Bayan Muna Rep. Joel Virador na napapanahon na para maging simbolo si Sy ng isang negosyante na nagsu-sulong ng kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa na libre umano sa pag-kaganid sa pagkamal ng tubo.
Mula sa tinatawag na pagigiging contractualization king sa bansa, umaasa si Virador na magiging ''regularization king'' si Sy sa pamamagitan ng pagkakaloob sa karamihan ng mga kawani nito ng regular na trabaho.
''There is a great reason for him (Sy) to cease from exploiting the Herrera Law which legalizes contractualization after his success and continued expansion of business in the country. This is the ripe time for him to return the favor to Filipino people. From a contractualization king, he can redeem himself as the regularization king,'' ani Virador.
Kasama ni Virador sina Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teodoro ''Teddy'' Casino, Gabriela Rep. Liza Maza at Anakpawis Rep. Rafael Mariano na sumasailalim sa protective custody ng Kamara de Representantes matapos maharap sa kasong rebelyon.
Iginiit rin ni Akbayan Rep. Loretta Rosales ang kahalagahan na bigyan ni Sy ng pagkakataon ang mayorya ng mga manggagawa nito na magtrabaho ng regular matapos pumasa sa lima hanggang anim na buwang performance test.
Naniniwala si Rosales na hindi dapat ang pagkamal ng kita ang karakter na dapat ipakita ng isang negosyante lalong-lalo na kung naghihirap nang husto ang kanilang manggagawa.
''He can't succeed alone, he better send back the blessings of his business by regularizing his workers. It is not always money, please show compassion to workers'' plight,'' ani Rosales.
Ginawa ng mga kongresista ang reaksiyon sa pagbubukas ng SM Investments Corp.'s kamakailan sa ika-23rd SM Mart Primes's supermall sa Santa Rosa, Laguna.
Matatagpuaan ang bagong SM mall sa 170,740 metro-kuwadradong lupain sa Bario Tagapo kung saan mayroon itong dalawang palapag at umaabot ang floor area sa 88,000 square meters.
Naunang iginiit nina Virador, House senior deputy minority leader at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Manila Rep. Bienvenido Abante na ibasura ang Herrera Law na nagbigay-daan sa legalisasyon ng ''kontraktuwalisasyon'' sa bansa dahil na rin sa talamak at patuloy na pagtataguyod ng SM mall at mga katulad na establisimyento ng polisiyang nagpalaki umano sa produksiyon at pagkamal ng kita ng mga kapitalistang katulad ni Sy habang naaabuso ang karapatan ng mga pobreng manggagawa.
Binanatan ni Virador ang SM mall ni Sy at ibang mogul magnates dahil sa pagsasamantala umano sa tinaguriang Herrera Law o batas na ini-akda ni dating Sen. Ernesto Herrera na siyang naging Labor Code ng bansa.

No comments:
Post a Comment