BAHALA SI TULFO Ni Ben Tulfo
Ang Pilipino STAR Ngayon
SA panahon ngayon, nauso ang pagbebenta o pag-aalok ng produkto o serbisyo sa pamamagitan lamang ng telepono.
Ito yung tinatawag nating telemarketing o sa lengguwahe ng call center ay mas kilala bilang outbound account.
Pagtawag sa mga bahay at tanggapan ng mga prospect clients ang estilo ng telemarketing kung saan sa telepono lamang ay nagkakaroon sila ng transaksiyon, benta o sales.
Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagdudulot ang ganitong negosasyon ng pagkalito sa pagitan ng nag-aalok at inaalok.
Katulad ng problemang inilapit sa BITAG ni Rowena Tan tungkol sa telemarketer ng Citylimits.
Ayon kay Rowena, inaakala niyang ang inaalok ng telemarketer ng citylimits ay credit card kaya napapayag siya nitong kumuha ng nasabing produkto.
Laking gulat na lamang daw niya ng i-deliver ito sa kan-yang bahay dahil discount card pala ang nasabing produkto.
Dito inilapit daw niya ang kaso sa mismong manager ng kumpanya at nangako naman ang mga ito ng refund o cancellation of transaction.
Lumagpas na ang taning na dapat sana’y sosolusyunan na ng kumpanya kung kaya’t sa BITAG na siya sunod na lumapit.
Sa aming imbestigasyon, dala marahil ng kanyang excitement na makakuha ng bagong produkto, hindi na nito nakuha pang magtanong ng ibang katanungan patungkol sa produkto.
Pumasok din sa aming isipan na dahil sa sobrang abala ng telemarketer sa kanyang spiels sa pagpapakilala sa produkto’y hindi na nito naliwanagang mabuti si Rowena.
Malinaw, MISKOMUNIKASYON ang naging ugat ng problema sa pagitan ni Rowena at ng Citylimits.
Babala ng Bahala si Tulfo at BITAG, sa patuloy na pag-angat ng industriyang telemarketing, hindi malayong kasangkapanin ito ng mga sindikato upang makapmbiktima.
Ugaliing maging palatanong sa mga bagay na inaalok sa’tin. Gayundin ang maging paladuda sa mga taong miminsan lang natin nakatransaksiyon.
Mag-ingat ng hindi mahulog sa BITAG ng mga kawatan at manloloko!

No comments:
Post a Comment