Kakasuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang sinumang kandidato na maagang mangangampanya para sa darating na May 2007 elections.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, posibleng makasuhan ng premature campaigning ang mga kandidatong mangangampanya bago ang campaign period.
Nabatid na Pebrero 13 hanggang Mayo 12 ang kampanya para sa mga local na kandidato samantalang mula Marso 30 hanggang Mayo 12 naman ang sa pagka-senador.
Sinabi ni Jimenez na maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon at diskuwalipikasyon sa posisyon ang kahihinatnan ng makakasuhang premature campaigning.
Nilinaw din nito na absuwelto naman sa kasong premature campaigning ang mga pulitikong ngayon lamang nagpapakalat ng mga campaign material dahil hindi pa naman nakakapaghain ang mga ito ng kanilang certificate of candidacy kung kaya’t hindi naman maituturing na kandidato ang mga ito.
Samantala, inihayag din ng Comelec na pinaghahandaan na rin nila ang pagsasa-ayos ng aplikasyon ng absentee voting para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Aniya, nasa proseso na ngayon ang Committee on Absentee Voting ng pangangalap ng mga nagpaparehistrong OFW’s mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Idinagdag pa ni Jimenez na mauuna ng 30 araw ang botohan para sa mga OFW’s kaysa sa local na botante na itinakda mula Abril 14 hanggang Mayo 14. (Doris Franche - Ang Pilipino STAR Ngayon )

No comments:
Post a Comment