OVERSEAS JOB FAIR WALANG PLACEMENT FEES ULI!
Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng Olongapo City Government para sa dalawang (2) araw na ‘’Overseas Job Fair’’ simula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa ika-15 at 16 ng Pebrero 2007.
Ang Job Fair na gaganapin sa Rizal Triangle Covered Court ay handog ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga skilled workers ng lungsod na nais magkapag-trabaho sa ibang bansa.
Ang kagandahan nito ay walang anumang placement fee ang kukunin sa mga makakapasang aplikante at sky is the limit ang bilang ng kukuning kwalipikadong manggagawa.
‘’Naniniwala ako sa galing at kalidad ng manggagawang Olongapeño kaya patuloy na magbibigay ang lokal na pamahalaan ng mga pagkakataon na magamit at ipakita ang kagalingang ito,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Sa pangunguna ng Public Employment Services Office (PESO) at sa pakikipag-tulungan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ay bubuksan ang pagkakataon sa mga residente ng Olongapo na makapag-trabaho sa Taiwan, Korea at iba pang bansa na nangangailangan ng malaking work force.
Bukas ang mga aplikasyon para sa mga kalalakihan at kababaihang nasa dalawampu (20) hanggang tatlumput-walong (38) taong gulang. Kailangan lamang na magdala ng 1 litrato (2x2) kasama ang resume, birth certificate, employment certificates, NBI clearance at iba pang supporting documents.
Ayon kay PESO Manager Evelyn delos Santos, ‘’Mas maganda kung ang mga aplikante ay may nakahanda nang Passport upang sa gayo’y kapag nakapasa ay madali na silang makaka-alis.’’
Sa imbitasyon ni Mayor Gordon ay darating ang labinglimang (15) ibat-ibang ahensiya buhat pa sa ka-Maynilaan upang maki-isa sa job fair.
Matatandaan na marami nang mga Olongpeño ang nasa Korea ngayon na kabilang sa mga nakapasang aplikante sa mga isinagawang kahalintulad na Overseas Job Fair ni Mayor Gordon noong 2005 at 2006.
Olongapo City Public Affairs Office

No comments:
Post a Comment