TINIYAK kahapon ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza na itutuloy ng bansa ang mga proyekto at pangako nito na makakapagbawas ng greenhouse emission para maiwasan ang mga delubyo at kalamidad na posibleng tumama sa bansa tulad ng pagbaha, kakulangan sa tubig at pagkasira ng pananim at lamang dagat dulot ng global warming.
Sa talumpati niya sa 12-day UN Conference on Climate Change sa Bali, Indonesia kung saan pinala-kpakan siya bago at matapos niyang ihatid ang pahayag ng bansa, sinabi ni Atienza na kahit hindi masisisi ang Pilipinas sa epekto ng global warming, gagawa pa rin umano ng hakbang ang pamahalaan na makatulong dahil ang Pilipinas ay madalis maapektuhan ng matinding sama ng panahon tulad ng bagyo, baha, landslides at iba na nakakapinsala sa pamumuhay ng tao at ari-arian.
Hanggang ngayon, wala pa ring nabubuong commitment mula sa Estados Unidos ang 190 nasyon na kasama sa konperensya na bawasan ang emission level ng 25 hanggang 40 percent sa 2020. Nilala-yon ng Bali conference na magkaroon ng usapin na palitan ang Kyoto Protocol na nakatakdang mag-expire sa 2012. Ginawa ang protocol noong 1997 kung saan nire-require ang mga bansa na bawasan ang greenhouse gas emissions at ang mayayamang bansa ang magtutustos nito.
“We have accelerated our shift to renewable energy sources. We are one of thr few countries with mandatory vehicle emission testing mandated by law. We have banned open burning. We just passed the biofuels law that provided for its mandatory use and incentives,” ayon kay Atienza na kumatawan kay Pangulong Arroyo sa konperensya.
Sinabi pa niya na naroon ang malaking paghamon na pakilusin ang lahat at makiisa para sa climate change na mangyayari lamang kung meron malawakang information campaign.
“We have less thatn 10 years to effectively address climate change or it will cause irreversible ecological disasters if temperature increased by 3 to 4 degrees centigrade. Some 340 million people will be displaced and 1.8 billion people will be deprived of drinking water. Climate change will condemn our people to poverty,” ayon pa kay Atienza.

1 comment:
Hoy! Mug beer mu na ty yo, San Migeul beer.
Wa la akong pera. Creput... FBI
Full Blooded Illucannao
Post a Comment