Thursday, June 01, 2006

Brenda gustong maging aktibista

In Jest by : Ambet Nabus - Journal OnLine

Among the PBBTE evictees, sobra kaming impressed sa 16-year-old na si Brenda from Subic, Olongapo. Amerisian ito’t hindi pinangarap makilala ang ama, kaya okey lang na plain “Brenda” ang gamiting screen name pagpasok sa showbiz.

Two weeks lang nag-stay ang young mestiza sa Bahay ni Kuya at ang tanging imahe na tumatak sa manonood ay ang sincere na pagtulong sa mga housemate, lalo na para maopera si Miggy, anak ni Jamilla Obispo.

Nakagugulat na at her age, aware si Brenda sa social issues, gaya ng natural environment, government and women issues like abortion, teen marriages, etc.

Mature ang batang ito, na practicing vegetarian. Isa rin siyang artist na may passion for photography and photo video editing.

Incoming Tourism freshman si Brenda sa UST. Beauty queen din siya, dahil kari-relinquish lang niya ng crown as Miss Zambales-Tourism.

Pero hindi ’yun ang priority niya, kundi ang isulong ang pinaniniwalaang advocacies, tulad ng mga naunang nabanggit.

Hindi siya nahihiyang sabihin na gusto niyang maging aktibista.

Saludo kami kay Brenda’t naniniwala kaming malayo ang mararating niya.

No comments: