Muling magsasagawa ng Regular Clean-up Drive ang lokal na pamahalaan sa ibat-ibang panig ng lungsod nitong ika-17 ng Hunyo 2006 simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Pangungunahan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang ikapitong (7) hirit ng clean-up drive kabilang ang mga opisyales at kawani ng City Hall, Girls’ at Boys’ Scout of the Philippines-Olongapo City Chapter at ang mga residente ng labingpitong (17) barangay kasama ang buong pwersa ng ibat-ibang vendors ng lungsod sa pangunguna ni Mike Pusing at Kgd. JC delos Reyes na may hawak ng Vendors Management Team.
Ang mga isinasagawang clean-up drive ay kaugnay sa seryosong kampanya ni Mayor Bong Gordon na linisin ang mga ilog at lansangan tuwing ikaapat (4) na buwan.

“Kasabay ng paglilinis na ito ay ang panawagan sa mga mamamayan lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog na tigilan na ang pagtatapon at pagdudumi rito,” pahayag ni Mayor Gordon nang kanyang inanunsyo ang isasagawang clean-up drive sa Flag Raising Ceremony nitong ika-13 ng Hunyo 2006.
‘’Bilang mga opisyales at kawani ng City Hall dapat ay maging modelo tayo ng kalinisan. “Panatilihin nating malinis ang ilog at kapaligiran dahil ang malinis na bayan ay may malinis na mamamayan, ‘’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
‘’ Dapat ay maging handa tayo lalo na’t simula ng tag-ulan ang buwan ng Hunyo. Ayaw nating makitang lulutang-lutang ang mga basura sa ilog na nagiging dahilan ng pagbaha sa lungsod,’’ pagwawakas ni Mayor Gordon.
Press Release No.665 City Public Affairs Office
No comments:
Post a Comment