INIHAIN ng isang kongresista ang isang panukalang batas na naglalayong pagbawalan ang mga halal na opisyal na magbitiw sa tungkulin para lamang tumanggap ng ibang posisyon sa gobyerno.
Isinumite ni Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada III ang House Bill (HB) 319 na tatawaging “An act prohibiting an elective official from resigning his elective
office to accept an appointment to any government office and providing penalties thereof.”
Sa nakalipas na 13th Congress, kabilang sa mga kongresistang naitalaga sa Gabinete sina Tourism Sec. Joseph Ace Durano, Budget Sec. Rolando Andaya, Jr., Education Sec. Jesli Lapus, Interior and Local Government (DILG) Sec. Ronaldo Puno at dating Presidential Chief of Staff Joey Salceda na gobernador ngayon ng Albay.
Layunin ng panukala na pagbawalan ang mga halal na opisyal na makakuha ng ibang posisyon sa kabila ng kanilang na-kabimbing termino.
Nanindigan si Tañada na dapat tuparin ng pampublikong opsiyal ang kanyang kontrata sa mga tao nang hingin ang suporta ng mga ito noong nakalipas na halalan.
“The severance of the relation occurs only in extraordinary situations where there
is a severe breach of the obligations due from each party.
Where there is breach of trust and confidence by the elected public official, he may be subject to removal or recall,” ani Tañada.
Gayunpaman, sinabi ni Tañada na maaari namang magbitiw ang mga pampublikong opisyal kung nagkasakit ito.
“On the other hand, an elected public official having voluntarily sought the elective post could only resign upon valid grounds like sickness or physical disabilities in the performance of public functions,” ani Tañada. RPP - Journal online
No comments:
Post a Comment