Friday, February 22, 2008

Rustans kakasuhan ng PASG

NAKATAKDANG kasu-han ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang Rustan’s sa sandaling makumpleto nila ang im-bestigasyon kaugnay sa pagpapasok nito ng mga ‘undervalued’ na ‘imported products’ kabilang ang mga ‘signature shirts.’

Ayon kay PASG chief Un-dersecretary Antonio Villar Jr., bilyong piso ang nawawala sa kaban ng gobyerno dahil sa technical smuggling na ito ng Rustan Marketing, Rustan Commercian, Store Specialist at Rustan Coffee Corporation.

Sinabi ni Usec. Villar, nag-tataka siya kung bakit pina-yagan ng Bureau of Customs (BoC) na magbayad lamang ng humigit kumulang sa P20 milyon ang Rustans gayung dapat ay daang milyon ang babayaring taxes at penalties.

“The four companies do not declare their shipment specifically, enabling them to dictate what value to declare in their imports,” ani Villar.

Ipinaliwanag naman ni PASG intelligence chief Jaih Francia, sa nakuha nilang mga invoices sa Rustan’s trading firms na hindi nito idinedek-larang ang totoong value ng kanilang mga inaangkat na produkto upang mabawasan ang kanilang bayaring taxes and duties.

“Take the case of Global trading International which is based in U.S. In the invoice you would see that for the item ladies skirt, it cost only $11.4 per dozen which means one skirt cost only less than a dollar. And these are US brands such as Polo and La-coste that Rustan’s carries,” wika pa ni Francia.

Bukod dito, dagdag pa ni Francia, may mga wallet, handbags, make-ups, at skin care products na idineklara ng Rustan’s na undervalued sa totoong halaga nito gayung mga kilalang brands na galing Europe pa ang mga ito.

Nang padalhan ng BoC Post Entry Audit Group ang Rustan’s noong Abril para sa importation nito mula 2004 hanggang 2007 ay biglang nag-avail ito ng Voluntary Disclosure Program.

Ang Rustan’s group ay pinamumunuan ni dating Ambassador Bienvenido Tan-toco na kilalang crony ni yu-maong Pangulong Marcos habang ang anak nitong si Rico Tantoco na pangulo ng Rustan’s ay biyenan naman ng anak ni Rep. Ignacio Arroyo na bayaw naman ni Pangu-long Arroyo. Journal online

No comments: