INIHAIN sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong ipakulong ng 12 taon ang mga magulang, foster parents o guardians na pumapa-yag na mamalimos at pumasok sa prostitusyon ang kanilang mga anak.
Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 300 ni Manila Rep.Jaime Lopez ipinaliwanag nitong hindi layunin ng panukala na gawing labag sa batas ang pagi-ging mahirap kundi pakay lamang na mabawasan kung hindi man ganap na matigil ang pang-aabuso sa mga bata.
Papatawan ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkakabilanggo ang sinomang mapapatunayang gagamit sa mga bata na 12 taong pataas habang 12 taong pagkakakulong naman kung 12 anyos pababa ang biktimang bata.
“Parents, adopters, guardians or persons exercising special or substitute parental authority over the child who shall use, coerce, intimidate, or force their children to beg or engage in prostitution shall suffer the penalty of prison correctional,” anang panukala.
Sa kasalukuyan, kabilang sa mga umiiral na batas ang International Declaration of the Rights of the Child na nagkakaloob ng espesyal na proteksiyon laban sa pang-aabuso sa mga bata, exploitation at diskriminasyon. Nanindigan naman si Lopez na ang mga magulang ang pa-ngunahing dahilan kung bakit hindi nagiging epektibo ang mga umiiral na batas dahil pinababayaan ng mga ito ang kanilang legal at moral na obligas-yon na ilayo ang mga bata sa kalsada upang mama-limos para tugunan ang pangangailangan ng pamilya.
Idinagdag nito ang pahayag na: “The pa-rents who defaults on his or her responsibility to the child by allowing the child to beg or engage in the sex trade or the illegal undertaking should not be condoned by society.” Ryan Ponce Pacpaco - Journal online
No comments:
Post a Comment