Sunday, June 08, 2008

Naglipanang Bumbay sa bansa iimbestigahan ni Miriam

KAKALKALIN na rin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang paglipana ng mga turistang Bumbay sa bansa.

Ayon kay Senador Miriam Defensor Santiago, nais niyang paimbestigahan sa kinauukulang komite sa Senado ang ang ilegal na pagdagsa ng mga turistang Bumbay sa bansa na patuloy na dumarami ang bilang.

Nakasaad sa Senate Resolution 431 ni Santiago na iniulat ng Bureau of Immigration (BoI) na nasa 5,000 Indian tourist ang “unaccounted” na nakapasok sa bansa sa pagitan ng 2005 hanggang 2007.

May discrepancy umano sa bilang ng visas na ipina-labas ng Department of Foreign Affairs sa nasabing panahon at sa aktuwal na Indian tourist na pumasok sa bansa.

“There is a discrepancy between the number of visas issued by the Department of Foreign Affairs (DFA) during the period and the number of Indian tourists who actually entered the country,” ani Santiago sa kanyang resolusyon.

Sinabi ni BoI Commissioner Marcelino Libanan, nasa 39,495 ang ipinalabas na tourist visas ng DFA sa mga Indian nationals sa pagitan ng 2005 hanggang 2007, pero base sa records, may 44,295 Indian tourists ang nakapasok sa Pilipinas.

Hindi malaman kung saan nanggaling ang visas ng nasa 4,800 Indians na nakapasok din sa bansa.

Aabot umano sa Pl2 million buwis para sa 2,500 per tourist visa ang nawala sa gobyerno dahil sa mga ilegal na turistang Bumbay.

Ayon kay Santiago, maliwanag na dapat pang pag-igtingin ng immigration ang kanilang rules and regulations upang maayos na ma-monitor ang mga du-magdang turista sa Pilipinas. By: Marlon Purificacion - Journal online

No comments: