Thursday, April 14, 2005

"NEGOSYO SA OLONGAPO PATATAGIN NATIN"

 

            “Palakasin natin ang negosyo sa Lungsod ng Olongapo dahil ito nag sandigan ng ating ekonommiya,” yan ang matatag na pananalitang binitiwan ni Olongapo City Mayor James ‘Bong’ Gordon, Jr. sa harap ng mga tindero/tindera  at mga mamimili sa James L. Gordon Market and Mall (JLGMM), dating Pag-asa Market.

 

            “ Sikapin nating makapag-simula ng kahit na maliit na negosyo hanggang ang maliit na ito ay maging malaki na maaaring makipag-sabayan sa mga malalaking kompanya, mahalaga lamang na maging masipag, matiyaga at masigasig ang bawat negosyante sa lungsod at huwag panghinaan ng loob.” Panghihikayat ni Mayor Gordon.

 

            Isang Thanksgiving Ceremony rin para sa mga ‘newly elected officers’ ng Stallholders and Vendors Association of James L. Gordon Market  and Mall ang naganap.

 

            Kabilang sa mga bagog halal ay sina  Epigenio Labis, Jr. – Cahirman, Romy Ablaza- Vice-Chairman, Marietta Manalansan- Secretary, Roger de Leon- Tresurer.

 

            Ang mga bagong talagang Board of Directors naman ay sina Ramon de Jesus, Rodrigo Miralles, Gabriel Lescano, Leony de Guzman, Cesar Elamparo, Lilibeth Bondad, Oscar Lapuz, Orlando Quilon, Rizalita Clarin at Eugenio Ignacio.

 

            Layunin ng asosasyon na pagisahin ang mga vendors, makinig at tugunana ang mga suliraning umiikot at gumagawa ng mga paraan upang palakasin ang pagnenegosyo sa pamilihan.

 

            Samantala, nag-sagawa na rin ng Inauguration and Blessing ang mga bagong Ambulant Stalls Owners bilang karagdagan sa mga naunang stalls.

Kasama rin sa pagtitipon ang LJGMM Administrator na si Honorio Gomez na masayang nagbalita na malapit nang matapos ang malaking comfort room sa ikalawang palapag (2nd floor) ng pamilihan na isa sa mga proyekto ni Mayor Gordon.

            Nakhanda na rin ang tanggapan ng Department of Science & Technology (DOST) at Small and Medium Enterprises Development (SMED) Council office na gagawin bilang One (1) stop-shop palapag (2nd floor), Dito rin matatagpuan ang Land Transportation Office (LTO) and Drug Testing Office.

 

            Pinaghahandaan  na rin ang paglilipat dito ng malaking Multi-Purpose Dryer para maumpisahan na ang Livelihood Project sa Dried Mango at Dried Fish Processing na isa sa magiging pangunahing produkto ng Lungsod. Ang Machine na ito ay binili ni Mayor Gordon mula sa kanyang pondo ng siya ay nakaupo pa bilang Kongresista ng Unang Distrito (1st District) ng Zambales