Saturday, August 19, 2006

CHILD-FRIENDLY CITY

Buong-araw na nag-ikot ang bumubuo ng validating team upang markahan ang Olongapo para sa prestiyosong 2006 Search for the Presidential Award for the Most Child-friendly Cities/ Municipalities.

Ang validating team na binubuo ng labing-isang (11) kinatawan buhat sa Regional Sub-Committee for the Welfare of Children ay masayang sinalubong ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-16 ng Agosto 2006 sa FMA Hall.

‘’Ang Lungsod ng Olongapo ay patuloy na nakikipaglaban para sa kapakanan ng mga batang Olongapeños. Sinisikap naming magtayo ng mga lugar na maaaring tuluyan ng mga ito,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

‘’Buhat sa sariling pondo ng lungsod ay malapit ng matapos ang Olongapo Youth Center, isang lugar na kung saan namin aalagaan ang mga kabataan upang iiwas sa masamang bisyo sa lansangan,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Ang Search for the Presidential Award for the Most Child-friendly ay isinasagawa batay sa Executive Order 184 na nagsimula noong 1999 ay
naglalayong higit pang palakasin ang pangangalaga sa mga kabataan ng bansa.



Ang Lungsod ng Olongapo ay tumanggap ng pagkilala sa kompetisyon ng makuha nito ang unang pwesto (1st place) ng magkakasunod na taong 2001, 2002 at 2003.

Samantala, taong 2004 at 2005 ay pansamantalang nahinto ang kompetisyon bagamat patuloy pa rin ang lungsod sa pagbuo ng ibat-ibang mga programa para sa mga kabataan.

Inilahad rin ni First Lady Anne Marie Gordon ang mga natatanging proyekto ng lungsod kabilang na ang kauna-unahang Women Center sa Region 3 na laan para sa mga naabusong kababaihan ng lungsod.

‘’Maging ang OCARE at SDC ay lugar para sa mga kabataang walang masilungan. Nagpapatunay lamang na palaging nakaagapay ang lungsod sa aming mga kabataan,’’ dagdag pa ni First Lady Anne.

Tinungo rin ng validating team ang mga barangay Health Centers ng West Tapinac, Gordon Heights at Sta Rita, maging ang James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) bilang bahagi ng ebalwasyon.

No comments: