Ginanap sa FMA Hall ngayong Huwebes, ika-17 ng Agosto, ang Defensive Driving Seminar para sa mga tricycle, jeepney at bus drivers ng lungsod sa pangunguna ni Mayor James “Bong” Gordon Jr.
Sa pakikipagtulungan ng Office of Traffic Management and public Safety, mahigit 150 drivers ng pampublikong sasakyan ng Olongapo ang dumalo sa nasabing seminar upang matutunan ang ligtas at propesyonal na paran ng pagmamaneho. Tinalakay dito ang iba’t-ibang klase ng road signs at mga responsibilidad ng drivers sa kalsada.
Mapapansin ang mataas na pagtingin ni Mayor Bong Gordon sa mga drivers ng lungsod sa ibinigay nyang pagbati sa mga ito. Sinabi nyang susuportahan nya ang mga drivers na gustong magpatuloy ng pag-aaral ng high school sa gabi sa pamamagitan ng muling pagbubukas ng mga night schools. Maaari rin anyang sumama sa mga livelihood trainings ang mga drivers sa kanilang libreng oras upang lalong mapaunlad ang kanilang mga buhay.
Ang defensive driving Seminar na ito ay isinasagawa taun-taon upang makatiyak ang pamahalaan na nadaragdagan at narere-view ng mga drivers ang kanilang kaalam sa pagmamaneho at trapiko. Isang requirement din ang nasabing seminar sa renewal ng ID ng mga drivers at para maaprubahan ang permit o prangkisa ng kanilang mga sasakyan.
Ayon sa isa sa tagapagsalita ng seminar na si Officer Allan Dancel ng Traffic Management & Public safety, karaniwan nag nilalabag ng mga drivers ang mga batas laban sa paninigarilyo, drunk driving, pagsusuot ng uniporme at ID at ang pagpasada ng mga kolorum o walang permit na sasakyan. Sa kabilang dako, binanggit naman ng pinuno ng nasabing opisina na si Col. Jerry Adique na bagama’t marami silang ipinapatupad na panuntunan sa mga drivers, dapat nilang ituring na kakampi ang mga Traffic Enforcers at hindi kalaban. Nararapat aniya na magtulungan ang dalawang grupo sa kalsada upang maiwasan ang sakuna at maihatid ng ligtas ang mga pasahero sa kanilang patutunguhan.
Sinabi din ni Col. Jerry Adique na hindi lamang drivers ang kailangang maturuan ng disiplina sa kalsada. Tuturuan din aniya nila ang mamamayan na sumunod sa mga alituntunin ng trapiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Seminar on Public Safety sa mga eskwelahan at baranggay.
No comments:
Post a Comment