Bago pa man simulan ng kapwa mga Pilipino at Amerikanong miyembro ng Sandatahang Pandagat o Navy na makikilahok sa isa na namang ‘bilateral exercise’ na mas kilala sa taguring CARAT (Cooperation Afloat Readiness and Training) Exercise 2006, nagkaroon muna sila ng courtesy call sa lungsod ng Olongapo nitong Agosto 14, 2006. Pinangunahan ang grupo ni PN Capt. Feliciano Angue Jr., Cdr. Michael Talaga, Cdr. Peter Driscoll Jr. at Cdr. Mark A. Manfredi.
Buong-sigla naman silang sinalubong ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. at ng buong-pwersa ng pamahalaang lungsod, kasama pati ang mga negosyante ng Olongapo.
Isang linggo ang isasagawang training sa iba’t-ibang lugar sa bansa kasama ang Subic Freeport, ilang bahagi ng Zambales at La Union.
May mahigit sa dalawang libong (2,000) Amerikano at Pilipinong sailors ang kalahok sa nasabing combined bilateral exercise. Ang CARAT 2006 ay bahagi ng RP-US Mutual Defense Treaty upang ma-ensayo at palakasin ng parehong grupo ang mga naval operations tulad ng pagsugpo sa terorismo sa dagat at iba pang krimeng nangyayari sa karagatan. Ilan sa isasagawang mga aktibidad ay ang ‘at-sea maneuvering and communications’, ‘maritime interdiction’, ‘search and rescue’, at ‘diving and salvage routine activities’.
Bago ang kanilang isanagawang Panimulang Programa sa Global Terminal sa SRF Compound sa Subic Bay Freeport Zone, pinili ng mga opisyales ng Navy na mauna munang mag-coutesy call kay Mayor James “Bong” Gordon Jr. Nagbigay ng isang plake ang mga opiyales ng CARAT 2006 sa punong lungsod upang pasalamatan ang pagsuporta ng Olongapo sa kanilang isasagawang bilateral exercise.
“Ang Olongapo at Subic Bay na matagal na naging tahanan ng US Navy ay laging bukas at nagagalak sa inyong pagbisita”, saad naman ni Mayor Gordon sa mga opisyales ng CARAT 2005.
Samantala, bilang community outreach activities ng CARAT 2006, nakatakda silang magsagawa ng Medical at Dental services para sa mga residente ng ilang lokalidad sa Zambales at La Union.

No comments:
Post a Comment