Monday, August 14, 2006

SRA SA CITY HALL

Napuno ang FMA Hall nitong ika-14 ng Agosto 2006 ng mga residente ng lungsod kaugnay sa isinagawang Special Recruitment Activity (SRA) sa atas ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Ang SRA na pinangunahan ng Public Employment Services Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Evelyn delos Santos at ng apat (4) na employment agencies kabilang na ang Verde International Manpower Services at Rowald International Manpower.

Kasama rin ang JAS Security Agency at Grand Placement Agency ay dinumog ng mahigit tatlong-daang (300) aplikante na nagnanais makipag-sapalaran sa ibayong-bansat.

Personal naman na tinungo ni Mayor Bong Gordon ang isinagawang SRA na nag-iwan ng inspirasyon sa mga aplikante. ‘’Kung talagang nais ninyong tumungo sa ibang bansa upang magtrabaho dapat lamang ninyong tandaan na merong isang lungsod kayong uuwian,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.


-more-
‘’At kahit saan man kayong bansa tutungo lagi ninyong ipagmalaki ang Pilipinas at ang Olongapo. Palagi kayong maging masipag, masikap at matiyaga, mga katangian ng tunay na Olongape├▒o,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Ang SRA ay regular na isinasagawa ng ibat-ibang recruitment agencies sa bansa bilang tugon na rin sa mga residente ng lungsod na nais subukan ang nag-aantay na kapalaran sa ibang bansa.

‘’Dahil sa mga SRA na isinasagawa natin ay marami nang mga Olongape├▒os ang nasa ibang bansa ngayon. Ang mga aplikante natin ay hindi na kinakailangan pang tumungo sa ka-Maynilaan dahil ang mga ahensiya na mismo ang tumutungo dito sa ating lungsod,’’ wika ni PESO Manager delos Santos.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga isasagawa pang SRA, tumungo lamang sa Public Employment Services Office na matatagpuan sa Ground Floor ng City Hall.

No comments: