Ni REY MARFIL -- ABANTE
Kasabay ang pagkumpirmang merong ibang ‘alas’ na hawak at sasabit ang ilang national figures kapag nagsimulang gumulong ang imbestigasyon sa Upper House, ipinagmalaki kahapon ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang blue book, bank accounts at cellular phone numbers na nasa kamay ng isa sa mga pinanghahawakan niyang testigo sa jueteng payola.
Pilit itinatanggi ni Lacson na mga testigo niya ang tatlong naunang nagpainterbyu sa media subalit inamin nitong maraming malalaking personalidad ang sasabit sa jueteng payola kapag nagsalita ang testigong kanyang hawak at kabilang sa mga malalaglag ang ilang local officials kasama na ang ilan pang national figures.
Bagama’t hindi nakakagulat ang ibang pangalang nakatala sa nakuhang ledger dahil palaging nasasabit sa jueteng payola, sinabi ni Lacson na siguradong masosorpresa ang publiko dahil may ilang pangalang nasa listahan na hindi sukat akalain ng mga itong masasangkot sa ganitong klaseng raket.
Ayon pa kay Lacson, sinolo ng isang bigtime jueteng lord na malapit sa Malacañang ang buong operasyon sa Pilipinas kung kaya’t nagalit ang ilan sa mga operators nito katulad ng sinapit ng isang testigong hawak nito.
"May ledger, may bank accounts. May account numbers at account names. Pero subject to verification," ani Lacson patungkol sa kanyang testigo na dating gambling lord na aniya’y nawalan ng kita matapos ‘solohin’ ng isang jueteng lord na malapit sa palasyo ang operasyon sa buong bansa.
Inilarawan ni Lacson na matutulig ang mga nakaupo sa Malacañang, maging ang publiko kapag nagsalita ang kanyang mga testigo dahil maituturing aniyang ‘explosive’ ang bombang pakakawalan ng mga ito sa public hearing ng Senado.
"May national figures, saka may mga local government units involved. Tapos may mga papeles, may dokumento, malinaw kung magkano. At ipinakita sa akin ang dokumento kaya sabi ko explosive ito," ani Lacson.
Sa kasalukuyan, ayaw magbigay ng pangalan ni Lacson kung sinu-sino sa mga national figures ang posibleng sumabit sa jueteng probe kahit naunang naituro ang mag-amang First Gentleman Mike Arroyo at Pampanga Cong. Mikey Arroyo.
Subalit kinumpirma ng senador na mayroon siyang hawak na babaeng testigo at mayroon ding gambling lord.
Isa kina "M1 at M2" na naunang itinurong tumatanggap ng payola, ayon kay Lacson, ang sasabit nang husto sa expose ng kanyang testigo dahil napakalapit nito sa isang gambling lord maging sa palasyo ng Malacañang.
"Ang sinasabing namamayagpag sa pag-operate ng jueteng, may binabanggit silang pangalan, may gambling operator, napakalakas sa Malacañang. Iyan ang sabi nila sa akin," ani Lacson, kasunod ang pakiusap na mas makakabuting hintayin munang magsalita sa Senado ang kanyang mga testigo.
Humingi rin ng paumanhin si Lacson sa media kundi nito maibibigay ang pangalan ng mga taong isinasangkot sa jueteng payola dahil mapi-preempt aniya ang imbestigasyon ng Senado at mas magandang malaman ng mga ito kung nasa loob ng committee hearing.
Samantala, mistulang napaso ang First Gentleman sa jueteng expose kaya sa halip na harapin ang alegasyong nakikinabang ito at kanyang anak na sa jueteng payola ay tinakasan ito.
Ganito ang naging komento ng isang miyembro ng oposisyon sa Kamara matapos umalis patungong Singapore si G. Arroyo kasama ang mga kapatid na sina Negros Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo at Malou Arroyo.
Kahapon ng umaga, lumipad ang magkakapatid na Arroyo para magbakasyon sa Singapore at makapag-’bonding’ silang magkakapatid na umano’y hindi nila nagawa sa loob ng mahabang panahon.
Subalit kung si Agusan del Sur Rep. Rodolfo "Ompong" Plaza ang tatanungin, malamang na napaso si G. Arroyo sa pinakahuling expose dahil pinangalanan na siya at ng kanyang anak sa jueteng payola.
Kaugnay pa nito, agad sinopla ni Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr. ang alegasyon ng Malacañang na bahagi ng destabilisasyon ng oposisyon ang jueteng probe upang mapatalsik si Mrs. Arroyo, kasunod ang buweltang mismong Pangulo ang sumisira sa gobyerno nito.
Ani Pimentel, kung walang itinatago si Mrs. Arroyo sampu ng kapamilya nito, hindi dapat katakutan ang gagawing imbestigasyon ng Senado bagkus dapat itong suportahan upang malinis ang kanilang pangalan kaysa pagdududahang minamanipula ang imbestigasyon.
"If the national leadership and law enforcement authorities are found to have been remiss in waging a crackdown on jueteng and worse if they are protecting its illegal operation, then its themselves who are destabilizing their own government," ani Pimentel. (With Bernard Taguinod)

No comments:
Post a Comment