Saturday, April 22, 2006

EDITORYAL - Huwag sirain ang Inang Kalikasan

Ang Pilipino STAR Ngayon

NGAYON ay Araw ng Daigdig (Earth Day). Ang iba marahil ay magtataka sapagkat mayroon palang Araw ng Daigdig. Ginugunita rin pala ito. At nakapagtataka namang kapag sumasapit ang ganitong araw saka lamang napagtutuunan ng pansin ang pagmamahal sa daigdig at sa likas na kayamanan nito. Ngayon lamang nakikita ang kalagayan ng Inang Kalikasan na sinisira mismo ng mga taong nakatira rito.

Nagbabago na ang klima ng mundo at ang sabi ng mga eksperto ito ay dahil sa pagsira ng tao sa kalikasan. Nakapagtatakang kahit sa panahon ng tag-init ay may mga pagbahang nagaganap at pagguho ng lupa. May mga bagyong nagaganap na sumisira ng mga ari-arian at pumapatay sa maraming tao.

Kamakailan ay naguho ang lupa sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte. Ang walang tigil na pag-ulan ang itinuturong dahilan kaya nabiyak ang bundok. Pero mas marami ang nagsabi at kami man ay naniniwalang ang talamak na pagsira sa kabundukan doon ang dahilan. Walang tigil ang pagputol ng mga kahoy at dahil wala nang mga kahoy, humina ang lupa na naging dahilan para gumuho. Hindi lamang sa Bgy. Guinsaugon nangyari ang landslide kundi pati sa Quezon at Aurora na ang tinuturong dahilan ng trahedya ay illegal logging operations.

Hindi lamang illegal logging ang sumisira sa Inang Kalikasan kundi pati na rin ang grabeng air pollution. Ang Metro Manila ay itinuturing na pinaka-polluted na lugar sa Asia. Sa kabila na may batas – ang Clean Air Act of 1999, hindi pa rin malutas ang problema sapagkat walang ngipin ang batas na ito. Hindi maipatupad ng gobyerno ang batas na matagal ding pinagdebatehan at pinagkagastusan.

Mahigpit na ipinagbabawal sa Clean Air Act ang paggamit ng incinerators, mga lumang motor ng sasakyan, pagsusunog ng basura at paggamit ng leaded gas. Sa mga ito, ang paggamit ng leaded gas lamang ang naipahinto. Patuloy ang paggamit ng incinerators, pagsusunog ng basura at ang pagyaot ng mga sasakyang nagbubunga ng nakalalasong usok.

Nasisira ang kalikasan dahil sa kasakiman mismo ng tao. Dito sa Pilipinas, may batas pero hindi maipatupad. Hindi nakapagtataka na masira ang likas na yaman ng bansa dahil sa walang kakayahang pagpapatupad ng batas. Kawawa naman ang mga susunod na lahi na maaaring wala nang mundong titirahan.

3 comments:

Anonymous said...

Very good site you have here but I was wanting to know if you knew of any community forums
that cover the same topics discussed in this article?
I'd really love to be a part of online community where I can get feed-back from other knowledgeable individuals that share the same interest. If you have any recommendations, please let me know. Thank you!

Feel free to visit my web site - Build muscle

Anonymous said...

Hello just wanted to give you a quick heads up. The words in your post seem to be running off the screen in
Safari. I'm not sure if this is a formatting issue or something to do with browser compatibility but I figured I'd post to let you know.
The layout look great though! Hope you get the issue resolved soon.
Thanks

Feel free to visit my web site :: Revitalize Skin Cream

Anonymous said...

Hello there, just became alert to your blog through Google, and found that
it is really informative. I am going to watch out for brussels.

I will appreciate if you continue this in future. Lots of people will be benefited from your writing.
Cheers!

my web page muscle enhancers