Saturday, April 29, 2006

EDITORYAL - Pagmimina: Paghuhukay sa sariling libingan

MARAMI pa ring Pinoys ang ayaw sa operasyon ng mining companies. Ayon sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), 53 percent lamang ang nagnanais na ipagpatuloy ang pagmimina sa bansa. Mahigit kalahati lamang ang pumapabor. Marahil lubusan na nilang nakita ang masamang dulot ng pagmimina. Nakita na ang mga halimbawa sa mga nakaraang trahedya.

Nagiging kontrobersiya na naman ang Philippine Mining Act of 1195 kung saan maaaring magsulputan na naman ang mga mining companies. Kung noon ay marami nang nagmimina, baka ngayon ay maging triple pa lalo pa at ang gobyerno mismo ang nag-aanyaya sa mga mining companies.

Noong nakaraang taon sinabi ni President Arroyo na kikita ang Pilipinas sa pagmimina ng hanggang $90 billlion sa foreign investment. Bukod sa kikita ang gobyerno, marami rin umano ang magkakatrabaho. Umano’y 43,000 trabaho ang malilikha at mas malaking pera ang isasampa bilang buwis.

Malaking pera ang nakikita ng gobyerno sa pagmimina. Subalit hindi naman nakikita kung ano ang kahihinatnan ng mga residenteng maaapektuhan kapag nagkaroon ng problema kagaya ng nangyari sa Marinduque noong 1996. Tone-toneladang toxic wastes ang tumapon sa Boac River at naging dahilan para mamatay ang ilog na pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga tao roon. Bukod doon, nagkaroon ng sakit ang mga residenteng nakatira sa paligid ng minahan. Maraming nagkasakit sa balat, kidney at baga.

Noong nakaraang January nagkaroon ng cyanide spills sa Rapu-Rapu Island sa Albay dahil din sa pagmimina. Maraming isda ang namatay at nasira ang kapaligiran dahil sa cyanide spills.

Marami ang tutol sa pagmimina sapagkat nakita na ang mga masasamang nangyari hindi lamang sa pagkasira ng kapaligiran kundi pati na rin sa buhay ng mga tao. Hindi na maipagwawalambahala ang mga nangyari na kung mauulit pa ay baka mas lalo pang kapahamakan ang maaaring idulot. Kikita nang limpak ang pamahalaan dahil sa pagpasok ng mga mining companies subalit nakalubog naman sa hukay na libingan ang mga tao partikular ang mahihirap. Magbibigay nga ng trabaho pero ang kapalit pa rin naman noon ay kapahamakan. Maski ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ay mahigpit ang pagtutol sa pagmimina. Alam ng CBCP na kapahamakan ng taumbayan ang kahahantungan ng pagmimina.
Ang Pilipino STAR Ngayon

2 comments:

Anonymous said...

order ativan ativan online canada - dosage of ativan for anxiety

Anonymous said...

tramadol online tramadol vs codeine high - tramadol hcl headache