UMAPELA kahapon ang tagapagsalita ng Philippine Alliance Against Pornography, Inc. (PAAP) sa ilang tenants ng Shoe Mart (SM), Glorietta, Greenbelt, Robinson's malls at mga katulad na establisimyento sa buong bansa na tularan ang sakripisyo ni Hesukristo ngayong Mahal na Araw.
Ginawa ni Aldo 'Boy Blue' Filomeno ang apela sa likod ng mga ulat na ilang tenants ng nasabing malls ang nagbebenta umano ng pornographic materials.
Naniniwala si Filomeno na panahon na upang ipakita ng kinauukulan ang magagandang gawain ng Diyos, kabilang ang pagtalikod sa kasamaan katulad ng pornograpiya.
"We appeal to them to emulate Jesus Christ, we must remember that the focus of attention during the Holy Week is to give due respect to the life of Jesus Christ," ani Filomeno.
Naunang hiniling ni Filomeno sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na salakayin ang ilang tenants ng SM, Glorietta, Greenbelt, Robinson malls at mga katulad na establisimyento sa buong bansa dahil sa pagbebenta umano ng pornographic materials.
Naniniwala si Filomeno na dapat sampahan din ng NBI at PNP ng kaukulang kaso ang tenants at mall owners sa tulong ng Department of Justice (DoJ).
Ayon kay Filomeno, ilan sa posibleng batas umano na nalabag ng nasabing establisimyento ang Presidential Decree 1986 o batas na lumikha sa Movies and Television, Review and Classification Board; Republic Act 3019 o Anti-Graft on Corruption Act; Article 201 ng Revised Penal Code o anti-pornography law; RA 7610 o Anti-Child Abuse Law; The Tariff Code ng Bureau of Customs at iba.
Kabilang sa tinukoy ni Filomeno na suliranin ang sandamakmak na tenants sa malls na nagbebenta at nagpapakita ng umano'y malalaswa at marahas na items katulad ng mga sumusunod: (1) FHM at Cosmopolitan magazines ng pamilya Gokongwei na ibinebenta sa Filbars, Booksale, National Bookstore, Robinson's outlets ng Mini Stop convenience stores; (2) mararahas na video games sa Time Zone, at iba; (3) VCDs katulad ng Playboy na ibinebenta sa Videocity at ibang video shops; (4) animes, toys; (5) komiks; (6) posters ng Bench, Triumph at iba na nagpapakita ng mga seksing modelo na nakikita ng mga bata; (7) streamers ng malaswa at marahas na palabas.
Tinukoy ni Filomeno ang kontrobersiyal na pelikula sa mga sinehan sa malls na lumusot sa MTRCB bilang PG-13 katulad ng 'Wedding Crasher', 'Kutob'); R-13 na 'North Country', 'Casanova', 'Munich', 'Vendetta, 'Derailed'; R-18 na 'Basic Instinct', 'Brokeback Mountain', 'Hostel' at iba. People's Journal

No comments:
Post a Comment