Ang Pilipino STAR Ngayon
SAAN pa bang lugar sa Pilipinas may malinis na hangin at tubig at hindi pa nasisirang kapaligiran? Bibihira na lang. At maaaring ang bibihirang lugar na ito ay maging marumi na rin dahil sa masamang bisyong kinalakihan na nga ng mga Pilipino. Tapon dito, tapon doon ang kanilang ginagawa. Ang mga naitapong basura ay maiipon at magiging dahilan para magbara ang mga imburnal. Ang mga basurang itinapon kung saan-saan ang tirahan ng mga daga. Ang mga dagang ito ang pinagmumulan ng sakit na leptospirosis.
Marumi ang hangin sa Metro Manila dahil sa mga kakarag-karag na sasakyan na nagbubuga nang maitim na usok. Sa araw-araw na pagbiyahe ng mga bulok na bus, dypni, taxi at FX, maraming tao ang kanilang pinipinsala. Nalalanghap ng mga tao ang lason na nagiging dahilan para magkaroon ng sakit sa baga, asthma at iba pang respiratory diseases.
Marumi ang mga ilog, creek, estero at mga kanal sa Metro Manila. Ang ganitong tanawin ay karaniwan na. Subukang pumunta sa R. Hidalgo, Quiapo, malapit sa Manuel L. Quezon University at makikita ang maruming estero na halos hindi na gumagalaw ang tubig sa dami ng basura. Sa ibabaw ng maruming tubig ay nakabitin ang mga barung-barong na ang mga dumi ay bumabagsak sa nakangangang estero.
Marumi ang kapaligiran at walang kakayahan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para linisin ang hangin at mga estero’t kanal. Hindi nakapagtataka kung pagkalooban ng "Lagpak Award" ang DENR noong Sabado na pinagdiwang ang Earth Day. Ang ibig sabihin ng "lagpak" ay bagsak. Matagal nang ganito ang DENR. Walang kakayahang maipatupad ang batas para mapangalagaan ang kapaligiran. Hanggang ngayon, ang Clean Air Act of 1999 at ang Ecological Solid Waste Management Act ay hindi pa rin maipatupad. Maraming bawal sa ilalim ng Clean Air Act gaya ng pagsusunog, paggamit ng incinerators at pagyaot ng mga kakarag-karag na sasakyan, subalit walang magawa ang DENR. Nagsasagawa ng anti-smoke belching campaign sa tulong ng DOTC pero ningas-kugon ang nangyayari.
Patuloy sa pagdumi ang kapaligiran lalo na sa Metro Manila at hindi malayong mangyari ang resulta ng pag-aaral ng University of the Philippines na sa susunod na 10 taon, maaaring hindi na ito matirahan ng tao dahil sa sobrang pollution. Ang pag-aaral na ito sana ay magbukas ng mata at isipan sa DENR at iba pang ahensiya ng gobyerno.

No comments:
Post a Comment