Pilipino STAR Ngayon
Dahil sa pagbebenta ng ‘di sariling lupa't bahay sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang isang abogado.
Sa desisyon ng SC, sinuspinde nito si Atty. Homobono Cezar ng tatlong taon dahil sa pagbebenta ng hindi naman niya bahay sa isang Marili Ronquillo, isang overseas contract worker.
Ibinenta umano ni Cezar ang isang townhouse unit nito sa Granwood Villas Subd. sa BF Homes, Quezon City sa halagang P1.5 milyon kay Ronquillo.
Hindi na umano madiskubre ni Ronquillo na hindi pa pala pag-aari ni Cezar ang nasabing townhouse matapos na makapagbayad ito sa huli ng halagang P937,500.
Makailang ulit umanong binigyan ng pagkakataon ni Ronquillo si Cezar na maibigay ang contract to sell o di kaya’y deed of absolute sale subalit lagi itong bigo kaya iminungkahi nito sa abogado na ibalik na lamang ang halagang naibigay nito.
Ipinaliwanag ng SC na isang kasuklam-suklam na gawain ang ginawang panloloko ni Cezar nang magsinungaling ito na siya ang may-ari ng townhouse unit.
Tumanggi rin si Cezar na ibalik ang pera kay Ronquillo kung saan ito umano ay malinaw na paglabag sa Rule 1. 01 Canon 1 ng Code of Professional Responsibility, na nagbabawal sa mga abogado na gumawa ng anumang illegal at imoral.
Ipinaalala pa ng SC na ang pagiging isang abogado ay hindi ‘karapatan’ kundi pribilehiyo na iginagawad lamang sa may mabuting karakter at moral. (Grace dela Cruz)

No comments:
Post a Comment