By Ric Sapnu
Sun Star
MULA nang itinalaga si Chief Supt. Ismael Rafanan bilang director ng Police Regional Office-3 (PRO3), sunod sunod na ang kanyang mga “big accomplishments.” Nitong nakaraang Biyernes, apat na pinaghihinalaang holdup men ang napatay ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence and Investigation (RIID) at Bataan Police sa isang shoot-out sa kahabaan ng Olongapo Road sa Barangay San Benito, Dinalupihan, Bataan.
Ang apat na hold-uppers sakay ng isang Toyota Vios (XTJ-407) ay tinangkang holdapin ang isang gasoline station sa San Antonio, Zambales nguni’t nabulilyaso ito sa agarang pagdating ng mga awtoridad.
Pinasibat ng mga suspek ang kanilang kotse patungo sa direksyon ng lalawigan ng Bataan nang makitang parating ang mga pulis. Daglian namang kinontak ng Zambales Police ang ibang Police Station at maging ang RIID upang masabat ang patakas na grupo.
Naglagay kaagad ng checkpoint ang Bataan police at RIID sa Barangay San Benito, Dinalupihan at nang dumaan ang nasabing sasakyan ng grupo ay hindi ito huminto at sa halip pinatakbo pa ng matulin ang kanilang kotse.
Hinabol ng pulisya ang mga suspek hanggang nagkaroon ng shoot-out. Sa isang running gunbattle ay napatay ang apat na suspek na nakilalang sina Raffy Dumlao, Jessie Valinete, Jeffrey Sanchez at Jeff Padera.
Isang kalibre .22, dalawang granada and isang knife ang narekober sa mga suspek ng pulisya.
Sang-ayon kay Rafanan, ang grupo ay responsable sa mga sunod-sunod na robbery/holdup sa mga lalawigan ng Bataan, Olongapo at Zambales. Pinaniniwalaan din na ang nasabing grupo ay responsable sa series ng holdup incidents sa mga gasoline stations sa Central Luzon.
Noong nakaraang linggo, isa ring “big accomplishment” ang pagkakahuli ng PRO3 sa tatlong pinaghihinalaang New People’s Army (NPA). Ang tatlo ay nahuli ng mga tauhan ng Regional Mobile Group (RMG3) sa pamumuno ni Sr. Supt. Keith Singian. Isang information ang natanggap ng PRO3 na kung saan pitong armadong di-kilalang lalake ang namataan na paiko-ikot sa Barangay Barangay Sto. Cristo, Candaba, Pampanga.
Ang pagkakahuli kina Ramil Traquena alays Ka Sonny, Alberto Dazo alyas Ka Ria at Jhonny Guela alyas Ka Boboy ay isang malaking “accomplishment” ng RMG3.
Isa pang "big accomplishment" ni Rafanan ay ang pagkaka-rescue sa mag-asawang doktor na dinukot sa Bulacan ng mga armadong di-kilalang lalaki.
Nailigtas ng Pulisya sa mga kamay ng mga kidnapper sina Doctor Sabino Aguilar Santos, 51, at Dr. Sylvia, pawang taga Quezon City.
Ilan lang po yan sa mga "big accomplishments" ni Chief Supt. Rafanan at inaasahan na marami pa itong gagawin dahil siya ay "man of action."
* * * * *
Noong Sabado ay nagpulong ang mga miyembro ng mga reporter na nagkokober sa Camp Olivas upang magtatag ng bagong Media Group.
Halos dumating ang lahat ng mga reporters na nagkokober sa Camp Olivas na pawang nagsusulat sa mga national newspapers at doon ay napagkasunduan na tawagin ang bagong grupo na Cops.
Pagkatapos nabuo ang Cp[s ay nagkaroon ng election sa mga miyembro nito at ang mga nahalal ay sina:
Ric Sapnu (Phil. Star), President; Alley Tampus (Tribune), Vice President; Resty Salvador (Ang Pilipino Star Ngayon), Secretary; Chris Navarro (Sun Star Pampanga), Treasurer;
Bernard Galang (People's Tonight), Business Manager; George Hubierna (People's Journal), Auditor; Board of Directors: Rudy Abular (People's Journal), Mark Manabat (Abante), Pessie Menoza (dzRH), Buddy Arevalo (Remate), Ria de Fiesta (Sun Star Pampanga); advisers: Fred Roxas (Manila Bulletin) and Ben Gamos (PNA/Metro News).
Napagkansunduan ng grupo na sa September 1, 2006 ang induction ng mga opisyales.

No comments:
Post a Comment