EXTENSIYON NG BUSINESS LICENSE RENEWAL, APPROVED SA SANGGUNIAN!
Nagbigay ng extension ang Sangguniang Panglungsod sa mga negosyante ng Olongapo kaugnay sa taunang pagbabayad ng Business Permit. Sa isinagawang lingguhang sesyon nitong ika-7 ng Pebrero 2007 ay ipinasa ng mga kinatawan ng Sanggunian ang Ordinance No. 09 (Series of 2007) na may titulong ‘’An Ordinance Extending the Payment of Business Permit up to February 28, 2007.’’
Dapat sana ay hanggang noong ika-31 ng Enero 2007 lamang ang huling araw ng renewal ngunit dahil sa marami ang natatanggap na kahilingan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. buhat sa mga negosyante ng Olongapo para sa kanilang filing at payment ng Business Permit ay isinulong ito ni Kgd. Marey Beth Marzan sa City Council.
Ang extension ay ibinigay rin upang bigyang daan ang mga negosyong hindi pa nakakakumpleto ng mga kinakailangang dokumento, at upang mas marami ang sumunod sa patakarang pagrerehistro ng mga negosyo.
Kung hindi kasi makakasunod sa deadline ay 2% penalty ang ipapataw para sa operasyon ng negosyo sa 1st quarter ng taon. Ang Business License at Mayor’s Permit ay dapat na i-apply upang makapag-operate ng negosyo sa lungsod ng legal at walang aberya.
Hinihikayat ang lahat ng mga negosyante na huwag ng palampasin ang bagong deadline sapagkat nagbigay na ng kaukulang konsiderasyon si Mayor Gordon para sa mga negosyante at mas mapabuting business climate sa lungsod.
Olongapo City Public Affairs Office

No comments:
Post a Comment