Tuesday, February 06, 2007

Special Program for Employment of Students (SPES), muling ilulunsad!

Special Program for Employment of Students (SPES), muling ilulunsad!


Nagsagawa na nang mangangalap ng mga indigent applicants ang Olongapo Public Employment Service Office (PESO) noong ika-1 hanggang 3 ng Pebrero 2006 para sa Special Program for Employment of Students o SPES.

Ang SPES ay taunang inilulunsad ng lungsod upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng nangangailangan ng tulong pinansyal at mga out-of-school youth na makapagtrabaho at kumita.

“Isa sa aking mga prayoridad ay makatulong sa edukasyon ng kabataan at turuan namang maghanap-buhay ng marangal ang mga walang trabaho at hindi makapag-aral,” wika ni Mayor Bong Gordon. “Kaya naman todo ang suportang ibinibigay ng lungsod sa SPES at sa iba pang programang laan para sa kabataan,”dagdag pa ni Mayor Gordon.

Binibigyan ng pagkakataon ng SPES ang mga kabataang nasa gulang 15-25 na magtrabaho sa gobyerno sa loob ng 30 araw. Anim na pung (60%) porsyento naman ng minumum wage ang kanilang kikitain mula sa pamahalaang panglungsod at ibibigay naman ng Department of Labor and Employment o DOLE ang karagdagang 40%.

Samantala, ang mapipiling 2oo SPES qualifiers ay magsisimulang magtrabaho sa iba’t-ibang departamento sa pamahalaang panglungsod sa unang linggo ng Abril 2007.

Olongapo City Public Affairs Office

No comments: