Thursday, February 08, 2007

HAHATAW NA ANG MGA KAWANI NG GOBYERNO

HAHATAW NA ANG MGA KAWANI NG GOBYERNO

‘’Ang mga opisyales at kawani ng City Hall ay kinakailangan din na may panahon sa sports,’’ ayon kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.


Kaugnay rito ay itinakda ni Mayor Gordon ang ‘’Ready…Get Set…Bong!!!, ang palakasan na lalahukan ng mga City at National Government Officials and Employees para sa Inter-Department Intramural Meet sa ika-9 hanggang 13 ng Abril 2007.


Layunin ng palaro na higit na paglapitin at buhayin ang sportsmanship sa mga kawani ng gobyerno buhat sa ibat-ibang ahensiya at tanggapan nito.


Pangungunahan ni City Sports Coordinator Angie Layug ang intramural meet. Ngayon pa lamang ay nagsisimula nang mangalap ng mga magiging pambato ang bawat departamento.

Olongapo City Public Affairs Office

No comments: