SISIYASATIN ng House committee on overseas workers affairs ang hinaing ng domestic helpers hinggil sa mapanikil umanong bagong patakaran ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na magsisilbing “pasanin” ng mga kasambahay na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Sa ilalim ng House Resolution (HR) No. 1498 na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman, chairman ng komite, nais nitong pag-aralan ang itinakdang prequalification requirement ng POEA bago makapagtrabaho ang isang domestic helper.
Nabatid kay Lagman ang matinding reklamo ng domestic helpers hinggil sa bagong pre-qualification kung saan bawal maging DH ang hindi pa umaabot sa edad na 25 taon at kailangang hindi bababa sa $400 kada buwan ang suweldo o doble sa kasalukuyang tinatanggap na $200.
Magugunitang naunang nagsagawa ng protesta ang tinatayang 5,000 domestic helper sa Hong Kong upang palagan ang mga bagong requirement kung saan tinatayang umaabot sa 120,000 ang Pilipinang kasambahay sa dating British colony.
Nabatid sa reklamo ng domestic helpers na malamang na makuha ng ibang nasyunalidad ang mga trabaho dahil sa requirement na 25 pataas ang edad at tiyak na mas mura rin ang serbisyo ng mga ito kumpara sa Pilipinas. Ryan Ponce Pacpaco
People's Taliba

No comments:
Post a Comment