Tuesday, February 06, 2007

Hanjin Skills Development Center, pinasinayaan!

Hanjin Skills Development Center, pinasinayaan!


Pormal nang binuksan ang Hanjin Skills Development Center noong ika-5 ng Pebrero 2007 sa Subic Bay Freeport Zone.

Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa isinagawang pagpapasinaya ng Hanjin Skills Development Center.

Ang Hanjin Skills Development Center ay isa sa mga training sites na itinayo ng naturang kompanya upang magsagawa ng pagsasanay sa larangan ng welding, painting at pipe-fitting.

“Nagpapasalamat ako sa pagtitiwalang ibinibigay ng Hanjin sa mga welders ng Olongapo. Kaya naman lalo pa naming pagbubutihin ang pagtuturo sa mga estudyante ng Olongapo Free Welding Training,” wika ni Mayor Bong Gordon sa mensaheng kanyang ibinigay sa nasabing okasyon.

Ang mga welding graduates ng Olongapo ay ipadadala sa Hanjin Skills Development Center upang mas maturuan pa sa iba’t-ibang larangan ng welding at shipbuilding habang kumikita ng ng allowance kada-araw habang nag-aaral.

Samantala, bago pa man ang ginawang pagpapasinaya ay nakapag-umpisa nang magturo sa 500 trainees ang Hanjin Skills Development Center noong nakaraang buwan kung saan 256 na OlongapeƱo ang napiling magsanay at ang natitirang 246 na slots ay pinili mula sa iba’t-ibang lugar sa Zambales.

Olongapo City Public Affairs Office