Monday, February 12, 2007
KABATAANG SUSPECTS SA KAGULUHAN, INIHARAP KAY MAYOR GORDON
Prinisinta kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-6 ng Pebrero 2007 sa FMA Hall ang walo (8) sa labinglimang (15) kabataang sangkot sa pananaksak at pagkasugat ng dalawang (2) security guards ng Olongapo City National High School (OCNHS).
Sa pangunguna ni PSINSP Cesar Cabling, ang Station Commander ng Police Station 1 at PINSP Lito Tejada ng Police Station 3 kasama ang mga magulang ng mga suspects na sina:
Junel Samson, 26 yrs old.
Benjamin Macam, 22 yrs old.
Dennis Guilleno, 20 yrs old.
Alexander Tupaz, 19 yrs old.
Erwin Ragadio, 18 yrs old.
Emelito dela Rosa, 18 yrs. old.
Kabilang rin sa iniharap kay Mayor Bong Gordon, kasama ang mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay ang dalawang (2) menor-de-idad na sangkot rin sa kaguluhan na parehong labing-anim (16) na taong gulang.
Batay sa imbestigasyon, bandang ala-1 ng madaling-araw nitong ika-5 ng Pebrero 2007, ay isang tawag ang natanggap ng Police Station 1 buhat sa isang concerned citizen kung saan nakitang bumaba ang grupo ng mga kabataan lulan ng dilaw na pampasaherong jeepney sa harap ng OCNHS at walang kagatol-gatol na pinag-sisira ang streamer ni Mayor Gordon.
Dahil sa kaguluhan ay lumapit ang duty security guard ng paaralan na si Elmer Dedicatoria upang pigilan ang mga nagwawalang kabataan ngunit binalewala lamang ito at pwersahan pang kinuha ang batuta nang umaawat at pinagpapalo ito.
Sumaklolo ang isa pang kasamang security guard na si Oscar Botalon ngunit sinalubong ito ng tatlong (3) magkakasunod na saksak buhat sa isa sa mga suspect.
Sa responde ng Police Station 1 ay agarang nahuli ang walo (8) sa mga suspects at sa body searched na isinagawa ay nakumpiska ang isang patalim na may habang 5 pulgada kay Benjamin Macam na ayon sa imbestigasyon ay maaaring ginamit sa pananaksak sa security guard.
Sa ngayon ang dalawang menor-de-idad ay nasa pangangalaga ng CSWDO samantalang ang iba pang suspects ay kasalukuyang nakapiit pa rin sa Police Station 3.
Parang amang pinangaralan ni Mayor Bong Gordon ang mga magulang at mga kabataang suspects, ‘’Malaki ang responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak. Sana ay maging leksyon ang pangyayaring ito sa bawat magulang at kabataan ng lungsod,’’ wika ni Mayor Gordon.
Sa ngayon ay nakasampa na sa piskalya ang kaso ng mga suspects kabilang na ang Frustrated Homicide, Serious Physical Injury at Illegal Possession of Bladed Deadly Weapon.
Si Mayor Bong Gordon kaharap ang walong (8) kabataang sangkot sa pananaksak at pagka-sugat ng dalawang duty security guards ng Olongapo City National High School nitong ika-5 ng Pebrero 2007 nang pigilan ang mga ito sa paninira ng poster sa harap ng paaralan. Ang isinagawang presentasyon ng PNP-Olongapo kasama ang mga magulang ng mga suspects kay Mayor Gordon ay naganap nitong ika-6 ng Pebrero 2007 sa FMA Hall.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Gusto ko sana ipag bigay alam ang mga VANDALISM na ginagawa ng mga kabataan ngayon sa ARTHUR STREET WEST BAJAC BAJAC. wala naman ginagaa ang mga barangay W.B.B at mga tanod eh hindi naman nag iikot
Sana eh, gawin ang mga poste ng ilaw sa Arhur Street at magtalaga ng mga tanod para hindi nabababoy ang mga imahe ng mga bahay at mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa naturang lugar
Post a Comment